SI Raymart Santiago ang latest na Kapuso actor na lumipat sa ABS-CBN after Regine Velasquez. Bilang pagkumpirma as a Kapamilya, mapapanood siya as one of the new faces that will appear in this year’s ABS-CBN “Family is Love” station ID, na unang mapapanood sa ASAP ngayong Linggo.Eighteen years ding nagsilbi si Raymart sa GMA, at idinahilan niya sa kanyang paglipat ang hindi matanggihang offer to work again with Judy Ann Santos.

raymart_2018-07-15_23-13-28

“Siyempre, sino ba namang tatanggi ‘pag kinuha ni Judy Ann Santos, ‘di ba? In-offer sa akin ‘yung show. Nagpaalam naman ako [sa GMA],” pahayag ni Raymart.

Sa bagong network, pinangakuan si Raymart to be Judy Ann’s leading man in her comeback teleserye Starla.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“I’m sure magugustuhan ng mga manonood ito,” masaya niyang tugon.

Raymart admitted that he is still adjusting to the new environment.

“First show ko sa Channel 2 ito, kaya naninibago, nangangapa pa. Slowly, okay naman,” aniya na balita ring nag-umpisa na sila ng taping for Starla.

Naninibago raw siya sa unang pagtatrabaho sa ABS-CBN.

“Sa work, iba ‘yung style. Sa kabila, ‘pag nagsu-shoot, isang take or dalawa. Dito, ilang takes dahil different angles, iba ‘yung gamit na camera. ‘Yung technical side, iyon lang naman ang nabago. ‘Yung style ng directing, parang movie,” pagtatapos ng aktor.

-ADOR V. SALUTA