Papatawan ng mas matinding parusa ang mga indibiduwal na nagsasagawa ng sexual harassment, o panggigipit upang makamit ang layuning seksuwal.

Ito ang layunin ng House Bill 8244 (Expanded Anti-Sexual Harasssment Act) na pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa.

Pawawalang-saysay ng panukala ang Republic Act No. 7877 (Anti-Sexual Harassment Act of 1995) na nagpaparusa sa sinumang nahatulan ng anim na buwang pagkabilanggo o multang P10,000 hanggang P20,000, o pareho.

Sa panukala, papatawan ang violators ng anim na buwang pagkabilanggo o multang P50,000 hanggang P200,000, o pareho alinsunod sa korte. Kung ang nagkasala ay may awtoridad, impluwensiya o moral ascendancy sa trabaho ng biktima, pagsasanay o edukasyon, papatawan siya ng maximum penalty.

National

'Huwag kayo tumulad kay Bato at Baste!'—AI student

Kamakailan, ibinunyag ng ilang kandidata sa Miss Earth beauty pageant ang pangha-harass umano sa kanila ng isa sa mga pageant sponsors.

-Bert de Guzman