MATAPOS malagpasan ang matinding problema sa kanyang kalusugan, lalong tumibay ang pananalig sa Poong Maykapal ng living legend na si Gary Valenciano. Sa kanyang pagkakasakit, na-realize niya ang kanyang vulnerability as a human being.

“Na-realize ko rin na hindi forever ang ibinansag nilang Pure Energy. Maraming taon ang aking pinalagpas na hindi ako nagpapa-check up and when I did, at saka ko nabatid that something is wrong,” kuwento ni Gary.

“Sa pagsusuri ay lumabas na my heart is blocked. It was serious at kailangang operahin ako. Ang pakiramdam ko ay nandoon ako sa palad ni Lord at ibinubulong niyang ‘Ako ang bahala sa iyo’.”

Marami ang namangha sa mabilis na recovery ni Gary matapos ang isinagawang dual operation sa kanya. It was almost like a miracle. In so short a time ay balik-trabaho na si Gary bilang isa sa mga hurado sa “Tawag ng Tanghalan” ng It’s Showtime.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ngayon, abala si Gary sa pagpo-promote ng kanyang album entitled Awit at Laro. Ang payo sa kanya ng doctor ay to take things easy at one at a time.

May mall tour din si Gary sa following venues: UP Town Center sa November 23, Alabang Town center sa November 24, Feliz sa November 25, at Ayala Mall, Legaspi sa November 30.

-Remy Umerez