Green, sinuspinde ng GS Warriors; Rockets, sumambulat
OAKLAND, Calif. (AP) — Isinantabi ni Kevin Durant ang isyung hidwaan sa kasanggang si Draymond Green para magtumpok ng 29 puntos at sandigan ang Golden State Warriors sa 110-103 panalo kontra Atlanta Hawks nitong Martes (Miyerkules sa Manila).
Nagsalansan si Klay Thompson ng 24 puntos para maibsan ang pasanin sa opensa sa pananatili sa bench ng nai-injured na ‘Splash Brother’ Stephen Curry.
Nanguna si Taurean Prince sa Hawks sa naiskor na 22 puntos, tampok ang apat na three-pointer. Nakamit ng Atlanta ang ikalimang sunod na kabiguan sa 10 laro.
Pansamantalang pumalit sa posisyon ni Green, nasuspinde ng isang laro ng team nanagement bunsod ng inasal sa pakikipagtalo kay Durant sa kabiguan ng Warriors sa Los Angeles Clippers sa overtime nitong Lunes, si Jonas Jabarenko na umiskor ng 14 puntos at 14 rebounds,habang naitala ni Quinn Cook, pumalit kay Curry ng 28 assists.
GREEN SUSPINDIDO
Pinatawan ng isang larong suspensiyon ng team management si Golden State Warriors forward Draymond Green bunsod ng ‘conduct detrimental to the team’ matapos ang pakikipagtalo kay Kevin Durant sa kabiguan ng Warriors labans a LA Clippers nitong Lunes.
Walang direktang pahayag sina general manager Bob Myers ay coach Steve Kerr sa naging desisyon na anila’y makabubuti sa koponan.
“We just felt like this rose to the level of acting the way we did,” pahayag ni Myers patungkol sa inasal ni Green: “He was professional. He loves to play basketball, which is all you can ask of him.”
Inilabas ang desisyon may apat na oras bago ang laro ng Warriors kontra sa bisitang Atlanta Hawks. Hindi nakunan ng pahayag si Green.
“I think we’ll be fine,” sambit ni Kerr. “We’re a team that goes through stuff, just like everybody else. And things happen, bumps in the road. You’ve got to move forward. It’s all part of coaching a team, it’s all part of being on a team. You have to get through the adversity and there are some difficult times and you just get through them.”
May nalalabi pang anim na segundo sa regulation nang makuha ni Green ang rebounds at kaagad hiningi ni Durant ang bolas, ngunit imbes na ipasa magdribble si Green sa harap ng dpeensa ng Clippers at nabigong maitrira ang bola sa buzzer. Nakita sa camera ang nairitabng si Durant.
Bago ang overtime, nakitang nagtatalo ang dalawa sa bench.
“It’s hard to win a championship. You can’t allow anything else in your locker room, in the narrative. This team has done a good job of that,” pahayag ni Myers. “I know it may appear as if it’s looked easy over the last however many years. It’s not. If you’re in our locker room, if you’re in our organization, it’s hard.
“My feeling on Draymond and his impact on our team doesn’t change. These things happen sometimes over the course of an NBA season,” Kerr said. “We deal with it — again, internally — so any conversations that are happening or have happened it’s our business.”
ROCKETS 109, NUGGETS 99
Sa Denver, naitumpok ni James Harden ang 19 sa kabuuangh 22 puntos sa second half para sandigan ang Houston Rockets laban sa Nuggets.
Kumubra rin si Harden ng 11 assists, kabilang ang ilang alley-ops pass kay Clint Capela, nanguna sa Rockets na may 24 puntos. Nag-ambag si Chris Paul ng 21 points at sa ikatlong sunod na laro, hindi sumipot si Carmelo Anthony na ayon sa management ay may iniindang karamdaman.
Nanguna si Monte Morris sa Nuggets na may 19 puntos, habang tumipa sina Gary Harris at Jamal Murray ng tig-15 puntos.
CAVALIERS 113, HORNETS 89
Sa Cleveland, nakopo ng Cavaliers ang ikalawang panalo ngayong season nang pangunahan ni Filipino-American Jordan Clarkson ang Cavs sa naitalang 24 puntos laban saCharlotte Hornets.
Nalimitahan si Kemba Walker, league’s third-leading scorer, sa season-low pitong puntos mula sa 2 for 16 a field goal.
Hataw din si Rodney Hood sa Cleveland sa nakubrang 16 puntos, habang kumana sina point guard Collin Sexton at David Nwaba ng 16 at 18, puntos ayon sa pagkakasunod