TACLOBAN CITY – Nilamon ng apoy ang anim na residential buildings dito, kahapon ng umaga.

Ayon kay Bureau of Fire Protection Tacloban City Fire Marshall Senior Insp. Romeo Jaca, sumiklab ang apoy sa Juan Luna Street at kumalat sa katabing mga bahay, dakong 2:00 ng madaling araw.

Kabilang sa naabo ang apat na boarding house at dalawang residential house.

Ayon kay Kawagad Dones D. Abrematea, nahihimbing sila nang magising sa sunog sa isang bahay Juan Luna Street at kumalat sa katabing mga gusali.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Walang iniulat na nasugatan sa sunog at patuloy na inaalam ang sanhi nito.

-Nestor L. Abrematea