SIMULA na ng grand finale ngayong Monday, November 12, ng action-drama-fantasy series ni Alden Richards, ang Victor Magtanggol.

Alden copy

Pero walang katotohanan ang ikinakalat ng mga bashers na cut short ang serye. Actually, matatapos ito ng more than one season, 16 weeks, at na-extend pa nga nang three weeks, hanggang sa Friday, November 16. Nagsimulang umere ang serye noong July 30, 2018.

Tumanggap din ang serye ng positive feedbacks mula sa mga televiewers, partikular sa acting ng cast, lalo na si Alden as Victor Magtanggol at Hammerman. Puring-puri rin ang special effects and costumes na ginamit sa serye.Totoo ang sinabi ni Alden na niyakap niya nang buo ang proyekto at ang pagganap sa dalawa niyang katauhan sa simula pa lang ng taping, at ibinuhos niya ang lahat ng lakas niya sa mga action scenes and stunts.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Last week, ipinakita na ni Victor na siya rin si Hammerman nang mag-transform siya mula kay Hammerman to Victor, sa harap ng kanyang pamilya.

Sinisi kasi siya ni Perci (Dion Ignacio) kung bakit hindi niya naalagaan ang kanyang Ate Lynette (Chynna Ortaleza) kaya namatay ito. Pero ang sakit-sakit ng dibdib ni Victor nang talikuran siya ni Perci, ng amang si Tomas (Al Tantay) at ng nakababatang kapatid na si Anne (Lindsay de Vera). Ang ina naman niyang si Vivienne (Coney Reyes) ay nagpasalamat na hindi nasaktan si Victor, habang ang pamangkin naman niyang si Meloy (Yuan Francisco) ang unang nakaalam na siya si Hammerman.

May mga tanong kung ipagpapatuloy pa ni Victor ang pagiging Hammerman niya dahil gusto nang angkinin ni Loki (John Estrada) ang kanilang bayan, kaya guguluhin nito ang mamamayan.

Last Friday, ipinakita na ang mga eksenang dapat abangan sa linggong ito. Ilan dito ay ang pagbabalik ni Modi (Pancho Magno), na humihingi ng tawad kay Sif (Andrea Torres), at nangakong tutulong na para hindi masakop ni Loki ang Midgard. Ibabalik ba ni Gannod (Julie Huang) ang mahiwagang gold hair ni Sif na kailangan ng huli para matulungan si Hammerman sa laban nito? Pero gusto ni Gannod ay maglaban muna sila ni Sif para maibalik niya ang gintong buhok nito.

At ang isa pang hihintayin, ang paghaharap nina Hammerman at Loki. Paano paghahandaan ni Loki si Hammerman, na kilala na niya bilang si Victor Magtanggol?

Si Hector (Eric Quizon), magbago na kaya ang ugali niya at magpakabait na siya, dahil patay na ang ama niyang si Renato (Freddie Webb) na ginagamit ni Loki para ikubli ang tunay nitong katauhan.

Sa direksiyon ni Dominic Zapata, mapapanood ang finale week ng Victor Magtanggol pagkatapos ng 24 Oras.

Last Friday, nagkaroon na ng party ang cast at production staff ng action-drama-fantasy series dahil hanggang sa November 16 ay may taping pa rin sila.

-NORA V. CALDERON