MULING magpapasiklab si WBC Asia Boxing Council Silver bantamweight champion “Magic” Mike Plania sa 10-round non-title bout laban kay Renan Portes sa Nobyembre 25 sa Robinsons Mall Atrium sa General Santos City, South Cotabato.

Natamo ni Plania ang regional title nang mapatigil niya sa 4th round si dating WBC Youth super flyweight champion Angelito Merin noong Setyembre 9, 2018 sa Polomolok, South Cotabato.

“I am very happy to be back on the ring. I’ve been training hard despite this fight being non-title. Portes should not be taken lightly,” sabi ni Plania sa Philboxing.com. “Overconfidence has been the reason why boxers’ fall on the ring. I will treat this as if it’s a world title fight to ensure a victory”.

Nakatakdang lumaban si Plania sa United States sa Enero kung saan siya lumasap ng unang pagkatalo sa puntos kay dating WBA at IBO bantamweight chamion Juan Carlos Payano ng Dominican Republic para sa bakanteng WBO Inter-Continental bantamweight title noong nakaraang Marso 23 sa Hollywood, California.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May rekord si Plania na 16 panalo, 1 talo na may 9 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Portes na may kartadang 10 panalo, 8 talo na may 6 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña