PINANGUNAHAN nina reigning MVPs Jessie Khing Lacuna at Chloe Daos ang kampanya ng Ateneo para sa muling double championship sa napagwagihang tig-dalawang ginto sa unang araw ng aksiyon sa UAAP Season 81 swimming competition sa Rizal Memorial Swimming Pool.

Naghari si Lacuna sa men’s 800-meter freestyle na dinomina ng Blue Eagles sa tiyempong 8:33.98. Sinundan niya ito ng panalo sa 100-meter freestyle sa tiyempong 52.18.

Nagwagi rin si Season 79 MVP Aldo Batungbacal para sa Ateneo sa 200-meter individual medley (2:09.49) bukod pa sa silver medal sa 800-meter freestyle (8:46.39).

Nagtala naman ng bagong league record ang nakaraang taong top Rookie-MVP na si Daos sa women’s 800-meter freestyle makaraang maorasan ng 9:24.51, na bumura sa dating record na 9:26.11 na ginawa ng kapwa Lady Eagle na si Kim Uy noong 2014.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hataw din ang silver medalist sa nakaraang 41st Southeast Asian Age Group Swimming Championships sa Brunei sa women’s 100-meter freestyle matapos maorasan ng 59.62 kung saan naungusan niya ang katropa na si Andrea Ngui (59.70).

-Marivic Awitan