BAGO pa man mag-post si Neil Arce sa Instagram nitong Lunes ng photo nila ni Angel Locsin habang magkasama sila sa Amerika, nag-post na ang aktres nitong Linggo ng litrato nila habang namamasyal sa Universal Studios Hollywood sa Los Angeles, California.

Neil at Angel

P e r o s a c a p t i o n n i Ne i l s a k a n y a n g p o s t nakumpirmang hindi totoo ang napapabalitang hiwalay na sila ni Angel.

“Hey world... look how beautiful my girlfriend is :) and guess what she’s also an Angel!” post ni Neil.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sa naunang post ni Angel sa photo nila, dalawang emoji lang ang caption niya.

Nag-umpisang umugong ang umano’y hiwalayan nina Angel at Neil dahil hindi na raw madalas mag-post ng mga larawan nilang magkasama ang dalawa sa kani-kanilang social media accounts.

Ku n g a n uma n a n g dahilan ng dalawa ay sa kanila na lang daw ‘yun.

Malinaw na going strong pa rin ang kanilang relasyon, at ebidensiya nga nito ang pagbabaka syon ni l a s a Amerika.

-ADOR V. SALUTA