Nangako ang gobyerno na isusulong ang kaso laban sa apat na katao na may pananagutan sa “failed” vaccination program ng anti-dengue drug Dengvaxia.

Inaasahang ilalabas ng Department of Justice (DoJ) ang resulta ng imbestigasyon nito sa mga kaso ng Dengvaxia ngayong buwan, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

“The Executive branch has taken forceful action, with the Department of Justice (DOJ) taking the lead and is expected to come up with a resolution before the end of the month,” sinabi niya sa isang pahayag.

“Appropriate charges will be lodged and pursued against government officials and private individuals found responsible by the DOJ for this failed health program for children,” ani Panelo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Panelo, mino-monitor ng Pangulo ang mga isyu na may kinalaman sa anti-dengue vaccine Dengvaxia. “He hears all the calls for justice of families of children whose deaths are reportedly caused by the said vaccine,” dagdag niya.

Kinasuhan na ng kriminal sina dating Health Secretary Janette Garin, Health Secretary Francisco Duque III at iba’t ibang health at pharmaceutical executives hinggil sa pagkamatay ng mga nabakunahan ng Dengvaxia.

Samantala, patuloy na iginigiit ni Garin na walang namatay nang dahil sa Dengvaxia.

“The separate death certificates of the complainants’ children unequivocally show that their respective children died due to various health conditions which they develop without any material connection to the date of the vaccination,” saad sa counter-affidavit na kanyang inihain sa panel of prosecutors, na nagsasagawa ng preliminary investigation sa mga reklamo, nitong Lunes.

Umapela si Garin na tanggapin ang mga autopsy na isinagawa ng Public Attorney’s Office (PAO) forensics team, sa pamumuno ni Dr. Erwin Erfe, na nagsabing ang pagkamatay ng mga bata ay walang kinalaman sa bakuna.

“The findings cited in the PAO Report and Memorandum is not supported by medical and scientific evidence,” sabi ni Garin.

“Moreover, the ‘findings’ are worthless because they were derived from a totally out of protocol procedure not sanctioned by the science behind pathology or the casual study of disease,” dugtong niya.

-Genalyn D. Kabiling at Jeffrey G. Damicog