Naglaan ang pamahalaan ng P11-bilyon emergency loan para sa mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) na naapektuhan ng bagyong ‘Ompong’ at ‘Karding’.

Sa pahayag ng GSIS, kabilang lang sa maaaring makakuha ng pautang ang mga GSIS member sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, at Cordillera Administrative Region (CAR), na lubhang naapektuhan ng Ompong.

Kasama rin sa makikinabang nito ang mga residente ng Tanay, Rodriguez, at San Mateo sa Rizal na binayo naman ng Karding.

Mula P20,000 hanggang P40,000 ang maaaring hiraming pera mula sa GSIS, depende na lamang kung mayroon pang hindi pa nababayarang emergency loan.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Maaaring malaman ang mga karagdagang impormasyon at requirements sa pagkuha ng emergency loan mula sa GSIS, sa www.gsis.gov.ph o magtungo sa opisina ng ahensiya.

-Beth Camia