BAGAMAT inamin ni Rhian Ramos na crush niya si JM de Guzman noong bagets pa siya, hindi naman ibig sabihin na ganun pa rin ang nararamdaman niya sa binata hanggang ngayon.

JM at Rhian copy

Sa mediacon para sa pelikula nilang Kung Paano Siya Nawala, mula sa TBA Studios, naikuwento ng aktres na noong 15 years old siya ay napanood niya si JM na nagra-rap sa Hard Rock Café, nang dumalo siya sa isang event kasama ang tita niya.

Napapangiting ikinuwento ng dalaga na ang layo ng itsura ni JM dati, dahil wala raw itong buhok noon at medyo chubby, kaya nung i-pitch sa kanya na ang aktor ang leading man niya ay talagang nag-Google pa siya, dahil nga iba na ang hitsura nito ngayon.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

At dahil dati ngang crush ni Rhian si JM ay natanong kung na-develop ba siya habang sinu-shoot nila ang Kung Paano Siya Nawala, lalo na dahil puring-puri niya ang husay umarte ng aktor.

“Wala naman kasing ano (chance). Hindi ko ito na-realize nu’ng start ng career ko, pero now alam ko na when you’re working with someone, kailangan mo rin ng constant effort n a hindi ka lang nagme-m e t h o d ( a c t i n g ) , ” s a b i n i Rhian.

“ K a s i madaling ma-attach when you’re doing love story with some o n e , we see it happen all the time. Pero ayun, for me to be professional is to give a constant effort to not let that happen, kasi kung mangyayari man ‘yun, kailangan walang kinalaman sa work. Kailangan mangyayari siya tapos na ‘yung work, tapos na lahat. So kami, we were just being professional.” Madali bang mahalin si JM? Marami kasing nahuhulog ang loob sa aktor.

“Honestly baka nga mahirap siyang mahalin in a sense na it’s scary and you know na he’s not in a state where lovelife is not his priority. He’s catching up in a lot of things, and I support him in that stage,” sabi ni Rhian.

Nilinaw naman ni JM na hindi siya mahirap mahalin.

“Siyempre nakaka-flatter, I take it as a compliment for sure.”

Samantala, co-prod si Rhian sa Kung Paano Siya Nawala; bukod sa isinosyong talent fee ay naglabas din siya ng dagdag na capital. Samantalang, mismong ang talent fee naman ang isinosyo ni JM sa movie.

“Feeling ko kahit ano pang mangyari, napakasaya ko na nagawa na, at ako ‘yung napiling gumanap na Shana, kasi I really wanted to play the role. I already got what I wanted, so tapos na, happy na ako.”

Mapapanood ang Kung Paano Siya Nawala sa Nobyembre 14 nationwide, mula sa direksiyon ni Joel Ruiz, handog ng TBA Studios

-REGGEE BONOAN