KAYA pala hindi namin mahagilap si Binibining Joyce Bernal ay dahil busy dahil malapit na ang first shooting day ng advocacy film ng Spring Films na Children of the Lake, na kukunan sa Marawi City, Lanao del Sur, kung saan sumiklab ang limang-buwang bakbakan noong nakaraang taon.

Erickson copy

Ito ang ibinulgar sa amin sa pakikipagkuwentuhan namin sa CEO ng Cornerstone at presidente ng Spring Films na si Erickson Raymundo.

“Sisimulan na kasi niya (Direk Joyce) ang Marawi kaya busy ‘yun ngayon,” sabi ni Erickson, na kasalukuyang nasa Maldives kasama ang isa sa mga Cornerstone artists na si Erik Santos para sa much awaited vacation.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Ang taga l kong hindi nakakabakasyon na, daming ginagawa kasi. Ang daming blessings kaya nakakatuwa. Thankful talaga kaming lahat, group effort ‘yun. Pangako ko kasi sa sarili ko na every weekend magbabakasyon ako para makapag-recharge,” pahayag ng manager ng mga sikat na ABS-CBN artists.

Nauna munang nag-Boracay si Erickson noong muling buksan sa publiko ang isla nitong Oktubre 26, kasama ang ilang staff. Makalipas ang apat na araw, tumuloy naman sila ni Erik sa Maldives, na unang beses daw niyang napuntahan.

L i b r e r aw i t o k a y Erickson ni Erik, na kumita sa 15th anniversary concert nito sa Mall of Asia Arena kamakailan.

Pagkatapos ng Maldives ay tutuloy naman si Erickson s a S e o u l , K o r e a p a r a dalawin ang shooting ng pelikulang Sunshine Family na pinagbibidahan ng mag-asawang Nonie Buencamino at Shamaine Buencamino, Marco Masa at Sue Ramirez, n a c o - p r o d n g Spring Films at Film Line Pictures Productions.

P i n u n a n a m i n a n g mahabang bakasyon ni Erickson.

“Bakasyon at trabaho ‘yun. Kasi pagbalik ko, ang dami naming meetings sa Spring Films kasi gagawa kami ng 10 movies next year (2019).”

Samantala, natatawa naman ang manager ni Sam Milby sa feedback tungkol sa role ng aktor sa seryeng Halik. Halos negatibo ang lahat ng nagkokomento kay Sam, dahil sa pagiging kaliwete nito sa serye.

“Nakakatawa nga ‘yung mga nababasa ko. Bagay kay Sam ‘yung ganu’ng karakter kaysa sa mabait. Siya rin naman mas gusto niya ‘yun. Gustung-gusto nga niya ‘yung serye nila ni Judy Ann (Santos, Huwag Ka Lang Mawawala, 2013). ‘Pag mabait kasi role ni Sam, walang challenge, kasi iyon siya, mabait talaga siya,” ani Erickson.

At ang taas ng ratings ng Halik kahit na late na ito napapanood. At higit sa lahat, ang ingay-ingay sa social media at kuwentuhan din sa mga tindahan nina ate, nanay at tatay dahil nakaka-relate sila.

Anyway, si Erickson na ang may hawak ng lahat ng accounts ni Kris Aquino matapos na madiskubre ng huli na niloko siya ng taong pinagkakatiwalaan niya.

“Oo, kami na lahat. Lahat ng bagong pasok at renewals, kami na ang may hawak. Medyo nangangalay nga ako kasi ang laki-laking artista ni Kris, hindi kami sanay. Pero thankful kami sa Cornerstone kasi nagtiwala siya at hindi naman namin sisirain ‘yun,” pahayag ni Erickson.

-Reggee Bonoan