JAKARTA (Reuters) – Natagpuan na ng Indonesian divers ang black box mula sa Lion Air jet na bumulusok sa dagat nitong linggo sakay ang 189 katao at dinala ito pabalik sa naghihintay na barko, sinabi ng isa sa divers kahapon.

“We dug and we got the black box,” mula sa debris sa putik sa ilalim ng dagat, inilahad ng diver na nagpakilalang si Hendra, sa Metro TV sakay ng Baruna Jaya vessel.

Kulay orange ang black box at buo ito nang makita, aniya, hindi binanggit kung ito ay ang flight data recorder o ang cockpit voice recorder.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo