HINDI lang si Ogie Alcasid ang nag-react sa grabeng bashing na natanggap ni Regine Velasquez mula sa isang Instagram user, kundi maging ang ibang celebrities, na nag-suggest nga na bigyan ng leksiyon ng Asia’s Songbird ang basher na si “cheskaazurin”.

Regine copy

Sagad sa buto kasi kung maka-hanash ang nasabing IG user at personal na ang naging banat nito kay Regine.

Mapapaisip ka tuloy kung stockholder ba siya ng GMA Network sa sobrang galit niya kay Regine. ‘Kaloka lang, dahil nananahimik nga at walang anumang sinasabing laban kay Regine ang GMA Network, pero ang fans ay sobra na ang mga sinasabi.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ipinost ni Regine sa IG ang pamba-bash sa kanya, gaya ng pagtawag sa kanya ng user ng balyena at iba pang mga akusasyon. Kaya naman nagpatulong si Regine sa mga kaibigan at followers niya kung saang ahensiya lalapit para isumbong ang basher, na dinelete na ang nasabing account sa IG.

Kabilang sa mga kaibigan ni Regine na nag-react sa nasabing basher sina Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, at Erik Santos.

“Grabe lang talaga,” komento ni Zsa Zsa.

“This is unacceptable! The basher is deranged!” reaksiyon naman ni Jed.

May suggestion naman si Erik: “Let’s do something about this Ate @reginevalcasid. This is too much already.”

Mukhang desidido si Regine na kasuhan ang basher, and hopefully, matigil na ang pamba-bash sa kanya. Matakot kayong makulong, hoy!

-NITZ MIRALLES