UNA nang napabalita na si Xian Lim ang makakapareha ni Bela Padilla sa bagong pelikula ng aktres sa Viva Films. Pero bakit si JC Santos pa rin ang kasama ni Bela na nag-look test?

Xian Lim copy

Ibig sabihin, si JC pa rin, at hindi si Xian, ang leading man ni Bela sa bagong project ng aktres.

Una nang nagtambal sina Bela at JC sa parehong patok sa takilya na 100 Tula Para Kay Stella at The Day After Valentine’s.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Kung hindi na nga si Xian ang makakasama ni Bela sa new movie, nangangahulugan na naitsapuwera na naman ang aktor. Dalawang movie projects na niya ang napurnada, makaraan siyang palitan ni Carlo Aquino sa pelikulang Ulan, kung saan makakapareha sana niya si Nadine Lustre.

Anyway, speaking of Bela, nanalo siyang Best Actress sa 25th Filipino International Cine Festival para sa pelikulang Meet Me In St. Gallen, opposite Carlo, na nanalo ring Best Actor.

“What started out as our little #HappyProject made its way from St. Gallen to San Francisco. Thank you, Boss Vic (del Rosario) and and everybody behind this movie and most importantly, to my ate, not by blood but by drinks. You know i love you long time @ayrin. Congratulations,” post ni Bela.

-NITZ MIRALLES