GAYA nang nabanggit ni Maricel Soriano sa presscon ng last movie niyang My 2 Mommies, magiging aktibo na siyang muli sa paggawa ng pelikula next year, at tiyak nang matutupad ito dahil pumirma na siya ng movie contract sa Regal Entertainment, Inc.

Maricel

Two-picture contract ang pinirmahan ni Maricel, at isa sa gagawin ng Diamond Star ang family comedy to be directed by Eric Quizon. Si Eric din ang direktor ng My 2 Mommies, at si Eric mismo ang kumumbinse kay Maricel na balikan na ang pelikula.

May gagawin ding horror movie si Maricel next year, to be directed by Ian Loreños. Malay natin, madagdagan pa ang mga gagawing pelikula ni Maricel, na tiyak na ikatutuwa ng kanyang fans dahil magkakaiba ang tema ng mga pelikula ni Marya.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

-Nitz Miralles