ISA na si Marian Rivera-Dantes sa ambassadress ng bagong line ng products ng Beautederm, ang Reverie by Beautederm Home.
Kaya naman ang laking tuwa ng Presidente at CEO ng BeauteDerm Corporation na si Rei Anicoche Ramos-Tan dahil napapayag niya ang isa sa malalaking artista ng GMA 7 na maging part ng produkto niyang approved ng Food Drug Administration (FDA).
Ang mga produkto ng Beautederm ay gumagamit ng mga natural na sangkap na pinagsama-sama upang makapagbigay ng pinakamabilis at pinaka-epektibong resulta na parehong long-term at sustainable.
Isang consistent superbrands awardee at ilan sa mga flagship brands ng Beautederm ang Beautederm Skin Set na mayroong patented soap, day cream, at toner; ang Beautederm Facial Wash; at ang Beautederm Origin Senses perfumes for men – na lahat ay top-selling na mga produkto ay nasa merkado na ngayon.
Sa kasalukuyan ay 44 na ang physical stores ng Beautederm sa iba’t ibang panig ng bansa at mayroon itong higit sa 100 resellers hindi lang sa Pilipinas, kundi sa ibang bansa rin.
Ang Reverie by Beautederm Home ay exquisite line ng mga home scents – mula sa soy candles hanggang sa mga room at linen sprays na ginawa sa pakikipagtulungan kay Marian upang mapabango ang bawat tahanan.
Ang Reverie ay laro ng salita sa pagitan ng apelyido ni Marian noong dalaga pa at ang konsepto na gustong maging epekto ng brand sa bawat gagamit nito ay ang mag-drift away, managinip, at mag-relaks habang nag-e-enjoy sa kakaiba, matamis, at beautiful scents of love.
Kaya si Marian ang napiling maging ambassadress ay dahil sa track record niya bilang mahusay na aktres, top-product endorser, at dahil hindi siya nawawalan ng project sa GMA-7 tulad ng Sunday PinaSaya.
At siyempre, ang top priority ni Marian ay ang kanyang ultimate role bilang asawa, ina, at homemaker sapagkat only the best lamang para sa kanyang pamilya ang kanyang nais. Para kanya, ang pagkakaroon ng maligayang tahahan ay katumbas ng warm, safe, at pleasant na environment kung saan nag-uumapaw ang love, care, at comfort.
“Sa wakas, ito na po ang isa sa mga best kept secrets ko – ang Reverie by Beautederm Home. Ito talaga ang aking personal choice para sa akin at para sa aking pamilya,” sabi ni Marian.
“Nagpapasalmat ako sa Beautederm at kay Rhea para sa tiwala na i-represent ko ang amazing line of products na ito. Talagang ginagamit ko po ito sa bahay because I want only the best for my family. Sobrang fresh at nakaka-relax ang amoy ng bahay namin at gusto ko itong i-share sa lahat.”Para sa karagdagang impormasyon at updates kay Marian, sundan ang @beautedermcorporation sa Instagram at i-like ang Beautederm sa Facebook.