MULING nag-share ang Pambansang Bae na si Alden Richards ng proceeds ng kanyang sold-out second major concert na Alden Adrenaline Rush sa Kia Theater, last September 21. Katuparan ito ng pangako niya sa concert na part ng kikitain ng kanyang show ay mapupunta sa Kapuso Foundation, Inc. ng GMA Network.

Alden copy

Kung matatandaan, last year, sa first major concert ni Alden na Upsurge noong May 27, 2017 ay ipinangako rin ni Alden na part ng proceeds ng concert niya noon ay ido-donate niya sa Kapuso Foundation, Inc.

True enough, ang ibinigay niya noon kay Ms. Mel Tiangco, head ng Kapuso Foundation, ay ginamit sa pagkumpleto sa isang tulay somewhere in Bicol, na ang kalahati ay bumagsak kaya hindi madaanan ng mga tagaroon.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Nang maayos na ang tulay, muli itong ipinakita ni Ms. Mel at nagpasalamat sa tulong ni Alden, Kaya ngayon ay maayos na itong nagagamit ng mga tao at nadaraanan na rin ng mga sasakyan.

This time, ang ibinigay naman ni Ms. Mel kay Alden ay ang pagtulong ng aktor sa rehabilitasyon ng mga eskuwelahan sa Marawi City. Naka-isang taon na ngang natapos ang giyera sa Marawi, pero wala pa ring natutupad na tulong ang gobyerno na rehabilitasyon ng siyudad. Kahit ang mga paaralan doon ay nangangailangan pa rin ng tulong para maitayo muli at magamit ng mga estudyante.

Sa isang video na ipinalabas ng Kapuso Foundation, Inc. pinapili nila kung ilang classrooms ang gustong ipagawa ni Alden, mula sa four classrooms.

Iisa ang comments ng mga nakapanood sa video: Kaya blessed si Alden dahil hindi siya nagkakait ng tulong na ipinangako niya.

Nitong Martes, tinanggap ni Ms. Mel ang donation ni Alden, kasama si Mr. Rene Salta, head ng GMA Records, na nag-produce ng Alden Adrenaline Rush concert.

-NORA V. CALDERON