GAGANAPIN ang second round-robin ng AFP-PNP-PCG Olympics 2018 Chess Team Championships kung saan ang defending champion Army ay inasanang muling mangingibabaw sa pagpapatuloy ngayon ng aksyon sa PNP Sports Center sa Camp Crame, Quezon City.
“I’m excited to get back at Army,” sabi ni Allan Cantonjos.
“Those matches in the first round were really tough fight and it’s just unfortunate that we lost ,” aniya.
Sa kanilang first round encounter nitong Oktubre 4 sa double round-robin, match points system format, ang Army woodpushers na nasa kandili nina team Manager Brigadier General Rodel Mauro Alarcon, Special Service Center Director Lieutenant Colonel Raymond Lachica at coach Corporal Ildefonso “Ponching” Datu ay giniba ang defending champion Airforce, 3.5-8.5, salamat sa kabayanihang panalo na naitarak nina Team Captain Lieutenant Colonel Perpetuo Tan Jr.,Major Edgar Gonzales, Captain Marlou Daguio, National Master, Captain at lawyer Bob Jones Liwagon.
Namayani rin ang Army sa Navy, 12-0,nitong Oktubre 12 para manatili sa ituktok ng liderato na may total four match points.
Habang ang Airforce naman ay may four wins at two loses kasama na ang 12-0 victory kontra sa Philippine Navy nitong Oktubre 16.
Ang Army ay pambato din sina Grandmaster Darwin Laylo, Grandmaster Jayson Gonzales, Grandmaster candidate Ronald Dableo, International Master Joel Pimentel, National Master Carlo Rosaupan, Kevin Arquero at Lieutenant Colonel Lebrito Olmuguez habang ang Airforce ay bukod kay Cantonjos ay aasa naman kina International Master Barlo Nadera, International Master Richelieu Salcedo III, National Master Ronald Llavanes, National Master Onofre Espiritu, National Master Raymond Salcedo at Nigel Galan.
Ang Philippine National Police na nasa magiting na pamumuo naman nina PSSUPT Jonnel Estomo, coaches SPO3 Jomes Mendoza Pascua at SPO1 Renato “Buboy” Abalos ay winasiwas naman ang Philippine Coast Guard, 12-0, nitong Oktubre 16 sapat para manatili sa solong ika-2 puwesto na may five wins at one loss.
Kasama din sa matitikas na manlalaro ng PNP ay sina National Master Ali Branzuela, National Master Rolando Andador, Jerry Tolentino, Leandro Macasinag,Ruvillo Paulin, PSI Horizon Villanueva,PSUPT Jaime Santos, PSUPT Antonieto Canete, PINSP Ronald Agabao at PCINSP Christopher Muego.