HAPPY ang fans ni Sarah Labhati sa pagbabalik-Kapuso ng actress dahil ilang araw na siyang napapanood sa Eat Bulaga. Marami tuloy ang nagsasabing sana ay maging permanent host na si Sarah sa long-running noontime show ng GMA 7.

Sarah copy

Naunang napanood si Sarah nitong Sabado, nang maging hurado siya sa semi-finals ng ‘Hype Kang Bata’ segment. Kitang-kita ang takot sa mukha ni Sarah dahil sa mga buwis-buhay na performances ng mga batang contestants. Hindi raw niya inaasahan na ganoon katindi ang mga performances na mapapanood niya.

Kasama ni Sarah sa Broadway Studio ang panganay nila ni Richard Gutierrez na si Zion. Ikinatuwa naman ni Joey de Leon ang pagpayag ng mag-asawa na lumabas sa segment ang bagets. Pero bawal pa raw mag-artista si Zion, ayon sa parents niya.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Bumalik si Sarah sa show nitong Lunes dahil nag-pinch hit muna siya sa isa sa mga EB hosts na si Luane Dy, na kasalukuyang nagbabakasyon sa Europe kasama ang kanyang boyfriend, ang aktor na si Carlo Gonzales.

Ayon sa balita, ang sunod na magbabakasyon ay si Pia Guanio, kaya baka hindi agad matapos ang guesting ni Sarah sa EB, lalo na at busy ang lahat dahil sa nalalapit na grand finals ng ‘Miss Millennial Philippines, 2018’.

So, hintay-hintay lamang ang fans at televiewers ng EB dahil baka one day ay magkaroon ng announcement na host na rin sa show si Sarah.

-Nora V. Calderon