Kumalas kahapon si Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez bilang focal person para sa local source code review (LSCR) sa Automated Election System (AES), na gagamitin sa May 13, 2019 National and Local Elections (NLE).

Idinahilan ni Jimenez ang paglabas ng larawan ng isang aktres na nakasuot ng swimsuit sa kanyang laptop, habang nagsasagawa ng presentasyon sa kick-off ceremony ng source code review nitong Sabado sa De La Salle University sa Taft Avenue, Manila.

“I tendered my resignation as focal person for source code review after a picture of a swimsuit-clad actress from my laptop appeared on screen during the kick off of the source code review,” sinabi ni Jimenez sa isang pulong balitaan.

Humingi na rin si Jimenez ng paumanhin at inako ang responsibilidad sa pangyayari.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa kanya, bagamat wala naman siyang nakikitang pangit sa larawan ay “inappropriate” naman ito o hindi akma sa isang napakahalagang aktibidad.

“I would like to apologize for the inappropriateness of the image. There was nothing wrong with the image itself but in that context it was inappropriate.

“Ang nangyari kasi during the kickoff, nagkaroon ng maliit na technical issue doon sa presentation. Doon sa pagpro-project ng mga presentation ng mga participants or ng mga presentors.

“The image was on my computer. Desktop image siya. Apparently, lumalabas yung desktop image for a fleeting moment when they switch in between programs. One of the things I can’t take is people saying I was hacked. That was my fault. It is my fault.”

“Unfortunately, inappropriate siya doon sa setting na ‘yun at dahil inappropriate ang nangyari at ako ang in-charge sa event na ‘yun, I have to take responsibility for that. It might affect my integrity. It will be better for transparency,” paliwanag ni Jimenez.

-Mary Ann Santiago