GANOON na lang ang pagkagulat ni Rocco Nacino nang sa first taping day ng teleseryeng Pamilya Roces ay shirtless scene kaagad ang kinunan sa kanya ng batikang direktor na si Joel Lamangan.

Rocco copy

May eksena din ang aktor na naka-underwear lang siya with a touch of humor ang eksena.

“I feel honored at naging direktor ko si Sir Joel, who is a no non-sense megman. Lahat ng malalaking stars ay pawang papuri ang ibinibigay sa kanya. Alam kong I am in very good hands,” kuwento ni Rocco.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“He praise you kapag okay ang acting na ipinamalas mo, at kung sablay ay pupunahin niya hanggang maging wasto,” sabi ni Rocco.

Sa Pamilya Roces, napabayaan si Rocco ng kanyang asawa (played by Carla Abellana), kaya naibalik niya ang kanyang pagmamahal sa half sister nito, na ginagampanan ni Sophie Albert.

Remy Umerez