NASUNGKIT ng Philippine sepak takraw team ang isang silver at tatlong bronze medal sa katatapos na 2018 King’s Cup Sepak Takraw World Championships sa Nakhon Rachasima, Thailand.

MATIKAS na nakihamok ang Filipino sepak takraw laban sa Indonesia sa regu quadrant event. (PSTA PHOTO)

MATIKAS na nakihamok ang Filipino sepak takraw laban sa Indonesia sa regu quadrant event. (PSTA PHOTO)

Ang King’s Cup ang pinakamalaking torneo sa sports at nilahukan ng 31 bansa.

“We have tapped new athletes purely for exposure, but we still ended up with good results,’’ pahayag ni Pilipinas Sepak Takraw Association Inc. president Karen Tanchanco-Caballero.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Nakamit ng women’s team ang silver medal sa premier hoop category, habang nakopo ng men’s squad ang bronze medal sa premier hoop, regu at team regu.

“It was a great showing for our sepak takraw players despite having a new lineup. Again, they made our country proud,’’ sambit ni Go For Gold top executive Jeremy Go, tumatayong ‘Godfather’ sa sepak.

Binubuo ang men’s team nina Rheyjey Ortouste, Ronsited Gabayeron, Emmanuel Escote, Joshua Gleen Bullo, Alvin Pangan, John Carlo Lee at John John Bobier.

Kasama rin sa delegasyon na suportado ng Go For Gold at Philippine Sports Commission (PSC) sina John Jeffrey Morcillos, Joeart Jumawan, Nestleer Bandivas, Christian George Encabo at Regie Reznan Pabriga.

Sa 2016 edition, nakamit ng Team Philippines ang men’s doubles event gold at silver medal sa team regu at hoop, gayundin ang bronze sa regu.

Bumida naman sa women’s squad sina Mary Melody Taming, Abegail Sinogbuhan, Gelyn Evora, Josefina Maat, Jean Marie Sucalit, Jea Mae Pepito, Jocielle Fernandez, Aisa Sabellita, Allyssa Bandoy at Lhaina Lheil Mangubat.

Nangasiwa sa koponan sina coach Rodolfo Eco, Hector Memarion, Metodio Suico Jr. at Junmar Aleta sa men’s team, habang sina Romulo Ruedas Jr., Esperidion Rodriguez, Gena Mark Saavedra at Deseree Autor gumabay sa women’s squad.