Isinapinal na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbasura sa motion for reconsideration na inihain ng madreng Australian na si Patricia Anne Fox para sana mapalawig ang kanyang missionary visa.

Sa dalawang pahinang kautusan ng ahensiya na inilabas ng Board of Commissioners nitong Oktubre 4, binanggit na rehash o inulit lang ni Fox ang mga naisumite na nitong argument, na una nang idineklara ng BI na walang merito.

Ayon sa BI, nabigo si Fox na magsumite ng mga bago at mahahalagang argumento kaugnay ng usapin.

Matatandaang napaso ang missionary visa ni Fox nitong Setyembre 5.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Dahil dito, napilitan si Fox na magharap ng kanyang apela na humihiling sa BI na palawigin pa ang visa nito.

Gayunman, ibinasura ito ng ahensya nitong Setyembre 13 dahil sa mga natuklasang paglabag umano nito sa immigration law.

“Our Board of Commissioners saw that there is no valid reason to reverse the September 13 Denial Order. She presented no new arguments in her motion for reconsideration,” sabi ni BI spokesperson Dana Krizia Sandoval.

-Mina Navarro