STANDINGS

San Beda 14-1

Lyceum 14-2

Letran 11-4

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Perpetual 10-5

CSB 8-7

Arellano 5-10

Mapua 5-11

San Sebastian 4-11

EAC 4-12

JRU 2-14

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

2:00 n.h. -- Letran vs San Sebastian

4:00 n.h. -- Perpetual Help vs EAC

MASELYUHAN ang nalalabing dalawang slots sa Final Four ang target ng Letran at season host University of Perpetual sa pagsalang nila ngayon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament.

Nakatakdang sumabak sa unang seniors game ngayong 2:00 ng hapon ang Knights kontra sa out of contention ng San Sebastian Stags kasunod ang Altas na haharapin naman sa huling laro ganap na 4:00 ng hapon ang eliminated na ring Emilio Aguinaldo College Generals.

Taglay ang barahang 11-4, kasunod ng namumunong San Beda College (14-1) at pumapangalawang Lyceum of the Philippines University (14-2), halos pasok na ang Knights sa susunod na round.

May tsansa pa silang makahabol sa no.2 spot kung matatalo sa huling dalawang laro ang Pirates at maipapanalo ang natitirang tatlong laro nila sa eliminations kabilang na ang laban nila ngayon kontra Stags at ang laban nila sa Perpetual sa Huwebes at sa St.Benilde sa susunod na Martes.

Hawak naman ang kartadang 10-5, isang panalo na lamang ang kailangan ng Altas upang pormal na makopo ang fourth spot at tuluyan ng pagsarhan ng pinto ang sumusunod sa kanilang CSB Blazers (8-7).

Sisikapin ng Knights na muling manaig sa Stags na ginapi na nila noong first round sa iskor na 83-76 habang tatangkain ng Altas na makapagtala ng mas kumbinsidong panalo kumpara sa 76-74 na pag-ungos nila sa Generals noong Hulyo 26 sa larong ginanap sa homecourt ng huli.

Galing sa kontrobersiyal na 80-79 na pag-ungos sa Lyceum noong nakaraang Biyernes, patutunayan ng Knights na talagang karapat-dapat sila sa naturang panalo kontra Pirates.

-Marivic Awitan