Gawilan, wagi ng ginto sa Asian Para Games; PH, umani rin ng 2 silver at isang bronze

JAKARTA, Indonesia – Tunay na palaban ang atletang Pinoy.

TANGAN ni Ernie Gawilan ang ‘mascot doll’ at ang gintong medalya matapos ang awarding ceremony, habang (kanan) ang impresibong langoy na nagbigay sa bansa ng tagumpay sa swimming event ng 2018 Asian Para Games. (PSC PHOTO)

TANGAN ni Ernie Gawilan ang ‘mascot doll’ at ang gintong medalya matapos ang awarding ceremony, habang (kanan) ang impresibong langoy na nagbigay sa bansa ng tagumpay sa swimming event ng 2018 Asian Para Games. (PSC PHOTO)

Hindi nagpadaig ang Philippine Para athletes, sa pangunguna ni Ernie Gawilan, na tinanghal na unang Pinoy na gold medalist sa 2018 Asian Paea Games nitong Linggo dito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Napagwagihan ng 27-anyos na si Gawilan ang men’s 200-mter individual medley (SM7 category) sa tyempong dalawang minuto at 52.43 segundo sa GBK Aquatic Center sa Jakarta.

Sa 2014 edition sa Incheon, South Korea, nakibahagi si Gawilan sa kampanya ng bansa sa napagwagihang tatlo sa limang bronze medal na naiuwi ng Pinoy, bukod sa limang silver medal.

Sa unang paglahok ng bansa sa quadrennial Games, nakakuha ang Pinoy ng 0-4-3 medal.

“It’s a good start. Malaking bagay ito para sa iba pa nating atleta dahil mas ma-inspired sila,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Arnold Agustin.

Naungusan ni Gawilan, ipinagmamalaki ng Davao, sina Chen Liang-Da ng Chinese Taipei ng tatlong segundo, habang nakuha ni Jadhav Suyash Narayan ng India ang bronze.

Nauna rito, nakuha ni Gawilan ang silver medal sa men’s 50m freestyle S7 sa tyempong 31.93 segundo kontra kay Toh Wei Soong ng Singapore na mas mabilis sa 29.01. Nakamit naman ni Gary Bejino ang bronze medal sa men’s 100m backstroke S6.

Naibigay naman ni Achelle Guion ang ikalawang silver medal sa Team Philippines sa women’s 45kg powerlifting competitions.