HABANG tinatapos namin ang deadline namin sa Balita nitong Sabado ng hapon ay chinat kami ng kumare naming nasa Vancouver, Canada para itanong kung anong dahilan kung bakit nakansela ang show ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid sa Chumash Casino Resort sa Sta. Barbara, California, na naka-schedule nitong Sabado, Oktubre 5.

Regine copy

“Mare, makikitsika lang po. Bakit cancelled concert nina Regine at Ogie sa California? Baka naman may info (informations) ka. Late na raw nasabihan ang Pinoy community doon, at hindi sinabi ano reason,” sabi ng kumare ko sa akin.

Mga kababayang Pinoy at kaibigan ng kumare namin ang manonood sana, at sa malayong lugar pa raw nanggaling para lang manood, pero sa huli ay malalaman lang nila na cancelled ang concert. Sana man lang daw ay advanced ang pasabi para hindi na sila bumiyahe nang ilang oras para lang makarating sa nasabing venue.

Karina Bautista, PH navy reservist na

At dahil nasubukan na rin naming mag-produce ng show ay point of view ng producer ang sinagot namin. Posibleng mahina ang benta ng tickets sa show, walang sponsors na puwedeng saluhin ang talent fee ng artists. Pero since out of the country ‘yan, posibleng fully-paid na sina Ogie at Regine. O nagkaproblema sa musicians o sa banda.

Sabi pa namin na siguradong nasa parte ng producer ang problema, dahil nag-post pa si Regine sa Twitter nitong Biyernes ng gabi:

“Nalulungkot po akong ibalita na hindi matutuloy ang concert namin sa Chumash. Humihingi po kami ng paumanhin sa mga taong bumili ng tickets at nagplano na ng kanilang araw para mapanood.

“You guys know that I don’t cancel a show kahit may sakit walang boses but this one is beyond our control. Again I’m very sorry. But I’m hoping we can push through with the show so hope to still see you guys there.”

Kuwento pa ng aming kumara: “Kausap ko friend ko, sayang daw ang day-off nila last minute cancelled hindi man lang nagsabi raw kaagad.”

Oo nga, alam naman natin na ang mga OFW sa ibang bansa ay talagang ini-schedule nang advance ang day off nila dahil hindi madaling humingi ng bakasyon.

Samantala, ilang oras bago ang concert ay nag-post ang Chumash Casino Resort na kanselado nga raw ang show ng mag-asawang Alcasid.

“Important notice: Due to unforeseen circumstances tonight’s Regine Valasquez with Ogie Alcasid concert has been forced to cancel.

“Credit card purchased tickets will be refunded within 5-7 business days. For cash refunds, please visit the Club indulge desk at Chumash Casino Resort.

“We apologize for any inconvenience this may have caused and hope to see you at a rescheduled date and time.”

Ni-repost naman ni Sharon ang post na ito ng Chumash Casino Report: “This is so sad!!! But please understand it, dahil wala sa kontrol nila Regine at Ogie ang mga pangyayari. Maraming salamat po! #Repost@reginevalcasid with @get_repost.”

Reggee Bonoan