MAGKASUNOD ang presscon ng Studio 7, ang bagong musical-variety show ng GMA-7, at ang dramedy na Pamilya Roces. Kasama si Gabbi Garcia sa parehong shows at sa dalawang presscon. At hindi naman binigo ni Gabbi ang entertainment media dahil dumating siya in her best.

Gabbi Garcia copy

From gowns to make-up, perfect si Gabbi, at na-highlight ang kanyang ganda. Marami tuloy ang kumukumbinse sa kanyang sumali sa beauty contest, dahil sayang daw ang ganda niya kung pang-showbiz lang siya.

Pati nga si 2013 Miss World Megan Young ay napa-comment: “Gabbi parang korona na lang kulang hehehe”. Nag-post kasi si Gabbi ng photo niya sa presscon ng Pamilya Roces suot ang green gown.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sumagot si Gabbi: “@meganbata ate megan!!! Omg kinilig naman ako dun hihihi.”

Nagandahan din kami sa gold gown na suot ni Gabbi sa presscon ng Studio 7.

Anyway, mauunang mag-pilot sa October 8, after ng Onanay, ang Pamilya Roces. Sa serye, ginagampanan ni Gabbi ang role ni Jade Roces, bunsong anak nina Rodolfo Roces (Roi Vinzon) at Natalia Roces (Gloria Diaz).

Sa October 14 naman ang pilot ng Studio 7. Nang malaman na kasama siya sa cast ay nag-react kaagad si Gabbi.

“Sa wakas, makakakanta na naman ako.”

In fairness to her, hindi lang maganda si Gabbi, maganda rin ang boses niya at marunong siyang tumugtog ng gitara.

“Masaya ako sa dalawang shows ko, dahil sa isa, aarte ako at sa isa, kakanta ako. Pareho kong gusto ang projects ko, ang sarap at masayang gawin,” sabi ni Gabbi.

-Nitz Miralles