ILOILO CITY - Todo higpit sa pagbabantay ang Philippine Drug Enforcement Agency-Region 6 (PDEA-6) sa umano’y drug trade sa Boracay, kasunod na rin ng papalapit na pagbubukas nito sa Oktubre 26.

"We know that people in Boracay are not just in the hundreds, but in the thousands. We are preparing," paniniyak ni Assistant regional director for Western Visayas Mark Damaso ng PDEA.

Aniya, layunin ng kanilang ahensya na matigil ang pagpupuslit ng ilegal na droga sa Boracay, sa tulong na rin ng ipakakalat na K-9 units.

Kasunod na rin ito ng naging panukala ni Department of Tourism (DoT) Secretary Bernadette Romulo- Puyat na ipagbawal ang mga kasayahan, pag-iinom at paninigarilyo sa lugar.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

"Regardless there are parties or not, syndicates will continue with their illegal drug business," pahayag ni Damaso.

Idinagdag pa nito na tutulong din sila sa Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) sa dobleng higpit na pagbabantay sa entry at exit points ng isla.

-Tara Yap