KAHAPON, October 2, ang birthday ni Janine Gutierrez, pero ginawa ang kanyang birthday salubong noong October 1. May taping si Janine noong umaga ng Victor Magtanggol, ang action-drama-fantasy series nila ni Alden Richards. Pero maaga siyang na-pack-up kaya maaga rin siyang nakauwi.

Rayver at Janine copy

Ang hindi niya inasahan ay may sorpresa pala ang kanyang pamilya para sa kanya. Wala namang ibang bisita na dinatnan sa bahay niya si Janine.

“Nasorpresa po ako talaga dahil hindi ko pa naman birthday,” sabi ni Janine. “Pero siyempre, ang saya-saya ko dahil kumpleto kaming magkakapatid, si Jessica, Diego at Maxine. Of course, si Mommy (Lotlot de Leon)”.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Biniro si Janine ng katotong Rommel Gonzales (na nag-provide ng pictures) kay Rayver Cruz, dahil naroon ang aktor at ito lamang mag-isa, wala nang ibang kasama. Sabi ni Rommel, wala raw inaamin ang dalawa, basta special at close friends sila.

Sa tanong kung magtatambal ba sina Janine at Rayver sa isang project sa Kapuso Network dahil balik-Kapuso na rin si Rayver, ay malabo raw itong mangyari. Mayroon nga kasing Victor Magtanggol si Janine at si Rayver naman ay nagsimula nang mag-taping para sa isang afternoon prime drama series na malapit na ring mapanood sa GMA 7, ang Asawa Ko, Karibal Ko, kasama sina Kris Bernal at Thea Tolentino.

-NORA V. CALDERON