NAGLARO sa unang limang playdates ng Premier Volleyball League 2 Open Conference, tinapos ng Petro Gazz Angels ang nasabing 5-day stretch sa pamamagitan ng paggapi sa Iriga-Navy Oragons, 25-19, 25-20, 23-25, 28-26, nitong Linggo sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Galing sa panalo kontra sa paboritong Creamline noong Sabado, malakas ang naging simula ng Petro Gazz kontra Lady Oragons at dinomina ang unang dalawang sets.

Nakapuwersa ng mga unforced errors na tinambalan pa ng mga hits ni Grazielle Bombita sa third frame, humirit pa ng fourth set ang Lady Oragons.

At nang akmang hihirit pa sila ulit para sa decider, 22-24, nagsanib puwersa sina Jonah Sabete at Rachel Austero upang agawin para sa Petro Gazz ang panalo.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

“May training pa, ‘di ba? Ang dami kino-correct. Siyempre hindi naman pwedeng relaxed lang ‘yung training so pagod talaga eh. Kahit sinong bunutin natin ganoon eh, so fatigue talaga,” pahayag ni Angels coach Jerry Yee, matapos ang ikatlong sunod nilang panalo na nag-angat sa kanila sa markang 3-2.

“Ayun, swerte siguro kami na kahit papaano nakakakapit tayo sa games so long rest pero siyempre training pa rin, konting pahinga.”

Muling nanguna si Paneng Mercado sa balanseng opensa ng Angels sa itinala nitong 12 puntos, kasunod si Ranya Musa na may 11 markers.

Nagtapos namang topscorer para sa Iriga si Bombita na may game hihh 21 puntos.

-Marivic Awitan