May 22, 2026

Home BALITA Metro

Manila LGU, may mga dagdag-ayuda sa mga manggagawa at residente simula Abril 14 at 16

Manila LGU, may mga dagdag-ayuda sa mga manggagawa at residente simula Abril 14 at 16
Photo courtesy: Manila Public Information Office (FB)

Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso nitong Lunes, Abril 13, ang pamamahagi ng mga ayuda sa mga manggagawa at iba pang piling residente ng lungsod bilang karagdagang tulong sa krisis. 

Batay sa nasabing anunsyo, magsisimula na sa Martes, Abril 14, ang pamamahagi ng tig-₱25,000 sa mga lokal na panadero bilang pagsuporta sa kanilang operasyon kapalit ng pananatili ng presyo ng mga pangunahing tinapay sa loob ng 30 araw. 

Simula naman sa Huwebes, Abril 16, mamamahagi na ng tig-10 kilong bigas kada buwan sa loob ng anim na buwan sa tinatayang 80,000 benepisyaryo mula sa pampubliko at pribadong sektor, transport groups, at iba pang miyembro ng komunidad. 

Inanunsyo rin ni Yorme na ang programang libreng sakay sa Maynila ay nakapaglingkod sa tinatayang 931, 831 na mga pasahero habang nabigyan pa rin ng tulong ang mga jeepney driver at operator nito. 

Matatandaang umarangkada ang programang ito sa Maynila noong Marso 30 at 31; at Abril 6 hanggang 8. 

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout