NANANATILING bukas para kay Nora Aunor ang posibilidad na makatrabaho ang Star for All Seasons at kumare niyang si Vilma Santos sa mga future movie projects.

NORA at VILMA

Sa panayam sa kanya ng Push at ABS-CBN News, sinabi ni Nora na kasalukuyang may kumakausap sa kanila para sa pagsasama nilang dalawa ni Vilma sa isang proyekto.

“May mga kumakausap sa amin na gumawa ng pelikula, pero ang nagiging problema nga lang ay ‘yung scheduling. Baka hindi magtugma ang scheduling,” sabi ni Ate Guy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Pero malay natin, dumating ang panahon na magkakasama rin kami,” dagdag pa ng Superstar.

Matatandaan na ilang pelikula na rin ang pinagsamahan ng Superstar at Star For All Seasons, gaya ng T Bird at Ako at Ikaw Ay Akin.

Sa isang banda, kamakailan ay pumirma ng kontrata sa Star Music ang talent ni Nora na si John Rendez. Bilang business manager ni John, todo-suporta ang aktres sa singing career ng kanyang alaga.

Tuloy, aminado si Nora na name-miss niya ang muling maging aktibo sa larangan ng pagkanta.

“Opo, siyempre. Kasi unang-una, ang pagiging mang-aawit talaga, d’yan ako nag umpisa. And sa tagal ng panahon na hindi ako nakakanta, nami-miss ko talaga ang pagkanta,” sabi pa ni Ate Guy.

“At sa hindi pa ako makakanta sa ngayon, siyempre gusto ko maibigay (ang pagkakataon) sa katulad ni John, na hindi din nakakapagpatuloy ng kanyang singing career. So umaasa ako na dito sa Star Music ay mabibigyang buhay ulit ang kanyang talent na ibinigay ng nasa Itaas,” pagtatapos ng Superstar

-ADOR V. SALUTA