BIBISITAsi Maymay Entrata sa Queen City of the South sa Oktubre 19 (Biyernes) para sa pinakainaabangang musical event, ang The Dream Tour Maymay in Concert Live in Cebu.

MAYMAY

Abangan ang Star Pop singer sa kanyang pag-awit ng Song Of the Year ng MOR Pinoy Music Awards 2018 na Shanawa, pati na rin ang mga awiting Baliw, Kabaduyan, Toinks, at iba pa.

Makakasama ni Maymay si Maris Racal at ang kanyang ka-loveteam na si Edward Barber. Magaganap ang nasabing show sa Hoops Dome Arena sa Lapu-Lapu City, 8 PM.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bumili na ng tickets sa SM Tickets, Ticketworld, SM City Cebu Customer Service, at Rainbow Connections sa halagang P2,200 (VVIP ticket at meet and greet session), P1,590 (VIP), P990 (gold), P636 (silver), at P336 (bronze). Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, at Instagram @StarMusicPH.