BAGUIO CITY - Makalipas ang 12 araw na search and rescue operations ay idineklarang “no sign of life” sa mga biktima ng landslide sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Sa pahayag ni Presidential Adviser on Political Affairs Secretary Fancis Tolentino, iniutos nito sa mga tauhan ng pamahalaan at volunteers na pagtuunan na lamang ng pansin ang search and retrieval operations sa mga natabunan ng pagguho ng tone-toneladang lupa sa nabanggit na lugar.

“We are declaring that this is purely retrieval operations, as no sign of life is being detected,” paliwanag ni Tolentino sa mga mamamahayag nang bisitahin nito ang lugar, kamakailan.

Sa huling datos ng Cordillera Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC), naitala ang 111 namatay sa Cordillera at 24 pa ang nawawala.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Aabot sa 91 ang naitalang bilang ng nasawi sa landslide sa Benguet, kabilang na ang 86 sa Itogon; tatlo sa La Trinidad; isa sa Bokod at isa sa Tuba; anim sa Mt. Province; at 13 sa Baguio City.

Patuloy namang hinahanap ang 16 na residenteng natabunan sa landslide sa Ucab; apat sa Loakan; at dalawa sa Virac, pawang sa Itogon; at dalawa sa Baguio City.

Tinatayang aabot sa 7,000 katao ang inilikas mula sa pitong barangay ng Itogon, parikular na sa mga nakatira sa geohazard landslides prone areas, bago pa pumasok sa bansa ang bagyong “Paeng”.

Nagsasagawa naman ng psycho-social processing ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga kamag-anak ng mga nasawi.

-Rizaldy Comanda