Inaasahang makatatanggap ng P20 dagdag-sahod ang mga manggagawa sa Metro Manila sa susunod na buwan, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na inaasahang maglalabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa National Capital Region (NCR) ng bagong wage order sa susunod na buwan.

Ayon kay Bello, ang wage adjustment ay maaaring magkaloob ng hindi bababa sa P20 umento.

Kailangan pang ikonsidera ng wage board ang iba’t ibang uspain para magbunsod ng dagdag-sahod.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Una nang hiniling ng mga grupo ng manggagawa sa Metro Manila na itaas ang suweldo sa harap na rin ng tuluy-tuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin, kasunod ng paglobo ng inflation rate sa bansa at pagbagsak ng piso kontra dolyar.

-Mina Navarro