NANATILING walang talo ang 21-anyos na si KJ Natuplag nang talunin sa 3rd round technical knockout si Thai rookie boxer Pongpasin Chulerd kamakailan sa Ramkamhaeng, Bangkok, Thailand.

Ito ang unang laban sa ibayong dagat ng tubong Ifugao na si Natuplag at sa magandang ipinakita niya kay Chulerd ay inaasahang muli siyang mabibigyan ng laban sa abroad.

Sa pagwawagi, napaganda ni Natuplag ang kanyang kartada sa 7 panalo at 2 tabla, pinakahuli kay Ronnie Campos noong nakaraang Abril 6 para sa bakanteng Asian Boxing Federation featherweight title na ginanap sa La Trinidad, Benguet.

Bago ang laban kay Campos na nagtabla sa accidental low blow sa 4th round, nakuha ni Natuplag ang bakanteng Philippine Boxing Federation featherweight title sa pagtalo sa beteranong si Danilo Peña via 6th round TKO noong Nobyembre 27, 2017 sa La Trinidad, Benguet.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA