GENEVA (AFP) – Isang pandaigdigang kasunduan para labanan ang illegal tobacco trade ang inilarga ngayong linggo, at pinuri ng World Health Organization na ‘’game-changing’’ sa pagbura sa malawakang health-hazardous at criminal activity.

Ang kasunduan, naglalayong lumikha ng isang international tracking at tracing system para mapigilan ang smuggling at pamemeke ng mga produktong tabako, ay magkakabisa ngayong Martes.

Nang maabot ng tinatawag na Protocol to Eliminate Illicit Trade in Tobacco Products ang 40 ratipikasyon na kailangan nito para magkabisa noong nakaraang Hunyo, nag-tweet si WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na ito ay ‘’historic day’’ at nagsagawa ang mundo ng ‘’vital step towards a tobacco-free world’’.

Nang unang ipinahayag ang kasunduan noong Nobyembre 2012, inilarawan ito ng sinundan ni Tedros na si Margaret Chan na ‘’a game-changing treaty’’.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Halos 10 porsiyento ng global cigarette market ay tinatayang dumadaan sa illicit trade, ayon kay Vera Luiza da Costa e Silva, namumuno sa Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) secretariat ng WHO.

‘’And they are unregulated and they don’t display health warnings,’’ aniya, idinagdag niya na ang ganitong kalakalan ay iniuugnay din sa ‘’international criminal groups and terrorism’’.