THANKFUL ang nagbabalik-Kapuso actor na si Rayver Cruz na after niyang mag-sign ng exclusive contract sa GMA Network ay nagsisimula na siyang mag-taping ng bago niyang teleserye, ang Asawa Ko, Karibal Ko.

Rayvere, Kris, at Thea

Tiyak na isa na naman itong mapangahas at bigating kuwento na ilo-launch ng GMA next month, sa Afternoon Prime Drama.

Ipagtatanong na naman ng mga netizens kung ano ba ang story ng Asawa Ko Karibal Ko, kung saan makakasama ni Rayver ang dalawang mahuhusay na Kapuso actresses na sina Kris Bernal at Thea Tolentino. Kasama rin nila ang isa pang mahusay na aktor, si Jason Abalos.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nasa serye rin sina Lotlot de Leon, Jean Saburit, Ricardo Cepeda, Devon Seron, Anna Barro, at si Matthias Rhoads.

Kaabang-abang kung ano ba talaga ang story ng Asawa Ko Karibal Ko, na ididirehe ni Mark dela Cruz.

-Nora V. Calderon