PATULOY ang pananalasa ng Davao Occidental Cocolife Tigers matapos ngatain ang Pasay Voyagers,68-61, sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup kamakalawa sa Pasay Asrodome.

Humuugot ng rekord na 24 rebounds si ex-pro Mark Yee maliban pa sa topscore na 16 puntos upang akayin ang koponan mula Mindanao ni team owner Claudine Bautista, sa pakikipagtulungan ni Cocolife president Elmo Nobleza, FVP Joseph Ronquillo at AVP Rkwena Asnan.

Nasa ikalawang puwesto ang Cocolife sa Southern division tangan ang 6-3 marka sa ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.

Nag-ambag ng tig-13 puntos sina dating PBA veterans Bonbon Custodio,Leo Najorda at Billy Robles. Laglag ang Pasay sa 2-7.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Mahigpitan ang laban buti na lang nakuha namin lalo’t maganda ang nilaro sa endgame,” pahayag ni team manager Ray Alao.