Pinadalhan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng “show cause orders” ang 16 na alkalde na wala sa kani-kanilang munisipalidad habang sinasalanta ng bagyong ‘Ompong’ ang mga ito nitong Sabado.

Ayon kay DILG Spokesperson Asec. Jonathan Malaya, ang 16 na alkalde ay posibleng masuspinde kapag napatunayang nagpabaya sa tungkulin na siguruhing ligtas ang kani-kanilang constituents habang nananalasa ang Ompong.

Sinabi ni Malaya na ang show cause order ay pirmado ni DILG Usec. Bernardo Florence, na nag-aatas sa 16 na alkalde—siyam ang mula sa Region 2 at pito ang taga-Cordillera—na magpaliwanag kung bakit wala sila sa kani-kanilang munisipalidad nitong Sabado, kahit pa inaasahan nang tatama ang bagyo sa kanilang lugar.

Tiniyak naman ng opisyal na pagkakalooban ng due process ang mga nasabing mayor, pero kung mapatutunayang nagkaroon ng kapabayaan sa kanilang panig ay papanagutin sila ng DILG.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

“Since they are elected public officials, we assure them that they will be given due process but if the investigation comes to the conclusion that they have been negligent or derelict in the performance of their duties, we will not hesitate to recommend appropriate sanctions against them,” sabi ni Malaya.

-Jun Fabon