HANOI (Reuters) – Pumanaw kahapon si Vietnam President Tran Dai Quang, isa sa top three leaders ng bansa na seremonyal ang karamihan ng tungkulin, kahapon dahil sa sakit, ipinahayag ng state television and radio.

Namatay si Quang, 61, sa isang military hospital sa Hanoi dahil sa “serious illness despite efforts by domestic and international doctors and professors,” iniulat ng Vietnam Television.

Ang Vietnam ay walang paramount ruler at opisyal na pinamumunuan ng president, prime minister, at Communist Party chief. Ayo sa mga eksperto ang presidency ay largely ceremonial.

Itinalaga si Quang sa papel noong Abril, 2016. Bago nito, nagsilbi siyang Minister of Public Security, isang organisasyon na may malawak na kapangyarihan at remit na kinabibilangan ng intelligence gathering at pagsupil sa mga lokal at banyagang banta sa partdido.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture