THE long wait is over, sabi nga, nang i-launch na nitong Miyerkules ng gabi ang personalized shade ng MAC Cosmetic lipstick ni phenomenal star Maine Mendoza. Talagang pinilahan agad ang order para sa lipstick at mabilis na makaabot sa 5,000 ang reservation sa bawat store na maglalabas nito.

Maine

Ang laki naman ng pasasalamat ni Maine sa mainit na pagtangkilik sa naturang lipstick: “Opted for a nude shade with matte finish that would work well on a variety of skin tones. I want this to be the universal nude lipstick since you can wear it with anything – from casual to formal – at any time of the day regardless of the occasion! Really excited for you guys to have it! Stilll feels surreal to actually have my very own lipstick with MAC. Thank you very much, @maccosmeticsph! I will be forever honoured and grateful for being a #MACMaker,” post niya sa Instagram.

Matatandaan na personal na inimbitahan si Maine ng MAC at pumunta siya sa Toronto, Canada last year para personal na gumawa ng sarili niyang shade ng lipstick. Pagkatapos niyon ay inihanda na ito ng MAC para ilunsad sa Pilipinas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi lang iyon dahil si Maine rin pala ang nag-design ng kiss-print packaging #MaineforMAC.

Nagustuhan naman nina Soleen Heussaff, Maxene Magalona, Dominique Cojuangco, Pia Guanio, Allan K, at Mark Nicdao ang shade ng lipstick ni Maine.

Dagdag pa na post ni Maine,“Hope you could all get your hands on it! It will be out on September 21st in Lazada; on the 22nd in Megamall and on the 23rd in all MAC stores nationwide.

Nagtatanong naman ang fans abroad ni Maine kung mabibili raw ba ng lipstick niya doon. It seems na kailangan nilang um-order sa mga kamag-anak nila dito sa Pilipinas para makabili rin ng lipstick ni Maine.

-NORA V. CALDERON