Ilang taon na ang nakakaraan nang ideklara ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina na pansamantala niyang iiwan ang showbiz at pagtutuunan ng atensiyon ang kanyang pamilya at subukan ang buhay sa ibang bansa.

Kathryn copy

Napakiusapan lang siya ng Star Cinema na i-delay muna ang balak niya dahil maraming projects ang kumpanya na naka-schedule niyang gawin, kabilang na rito ang all-time box-office record breaker na The Hows of Us, starring the number one love team ng showbiz, ang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa ngayon ay pumalo na sa mahigit P600 milyon ang kinita ng nasabing pelikula.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

Sa opening ng kanyang KathNails salon, nagpahayag ng kanyang saloobin si Kathryn tungkol sa retirement plans ng kanyang paboritong direktor.

“Of course nandun ‘yung feeling na parang, ‘Direk, huwag muna!’ kasi sayang naman. Pero ayaw nating maging selfish, eh. Kasi kung kaming mga artista nade-drain, doble or triple nun ang nararamdaman ng isang direktor.

“Sabi naman niya break lang, hindi naman stop. Siguro kailangan lang niya ng time after the last three films to recharge and then who knows sana bumalik pa siya. Pero ibigay natin ‘yung break na kailangan niya para sa family niya,” sabi ni Kathryn.

-Ador V. Saluta