SUPORTADO ni Dennis Trillo ang bubuksang online cookie business ng girlfriend na si Jennylyn Mercado. Ni-retweet ni Dennis ang early plugging ni Jennylyn sa Chunky Dough, na homemade cookies to be baked by Jennylyn mismo.

Jennylyn copy

Ang tsika sa amin, sa October magiging operational ang Chunky Dough, at mabibili muna sa online ang cookies ni Jennylyn. Pag-iisipan pa raw ng aktres kung magbubukas siya ng small pastry shop para sa Chunky Dough, o hahayaang by online order na lang matikman ang gawa niyang cookies.

Anyway, may aabangan na namang teleserye ang fans ni Jennylyn sa kanya. Sobrang sekreto pa ang tungkol dito, pero natutuwa ang aktres dahil natupad ang isa sa mga pangarap niya sa paggawa ng teleserye.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Ang sabi, kahit next year pa ang airing ng teleserye ay sisimulan na ang taping. May cast nang napili, at ang tsika, nakapag-storycon na para sa bagong teleserye ni Jennylyn. Bawal lang munang mag-post ng picture.

-Nitz Miralles