NAGING abala sa pagiging congressman ng first district ng Makati City si Monsour del Rosario kaya pansamantala niyang isinantabi ang paggawa ng pelikula at teleserye.

Monsour

Bukod sa kawalan ng offers na action films, hindi raw swak kay Monsour ang mga klase ng role na iniaalok sa kanya, kaya naman mahigit isang dekada siyang nawala sa showbiz.

“’Yung mga roles (ang naging problema). Kinukuha ako sa TV show ni Coco Martin, ‘yung Ang Probinsyano. Tinatawagan ako, dahil ‘yung mga dating action stars, naglalabasan dun.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“E, sasabihin sa akin, ‘Cong, may offer kami sa ‘yo’. Sabi ko, ‘ayos ‘yan, maganda. Anong role? Congressman ka’. Sabi ko, ‘kaya kong gampanan ‘yan, araw-araw kong ginagampanan ‘yan sa buhay ko, madaling gampanan ‘yan’. Tapos sabi ko, ‘ano ang kuwento? (Ang sagot) ‘Ikaw ang congressman na protektor ng drug lords sa Makati City’. Sabi ko, ‘Pangit naman. Congressman ako sa Makati ‘tapos protektor pa ko ng drug lords. Ayoko niyan, ‘yung medyo positive [dapat]’.”Makalipas daw ang tatlong buwan, muli raw tinawagan si Monsour ng Ang Probinsyano para alukin muli.

“Sabi nila, ‘May role kami sa ‘yo. Siguro ito magugustuhan mo. Para kang si Bato, police general’,” sabi, na ang tinutukoy ay si dating Philippine National Police Chief at ngayon ay Bureau of Corrections Director Ronald “Bato” dela Rosa.

“Sabi ko, maganda (ang role). Wala kang tiyan, naka-uniporme ka, PNP. Then sabi ko, ‘Ano ang kuwento ng pulis?’ ‘Yun pala police general na protektor ng congressman, na protektor ng drug lords. Sabi ko, ‘ang pangit naman’.

“Tapos sabi ko, ‘huwag namang mga ganyan. Puwede bang mentor ako ni Coco? Nagtuturo ako kay Coco na bumaril o nag-i-inspire kay Coco na maging pulis.”

Kung kontrabida o masama ang karakter ay talagang hindi raw niya tatanggapin.

Aminado si Monsour na dahil na rin sa pagiging congressman niya kaya pinipili niya ang gagampanang papel.

“Alam niyo, kung hindi ako congressman, I don’t mind playing bad guy dahil hindi ako choosy. Being a public servant, you have a responsibility of having your image known to people. We don’t want to be in that category. We know naman people na no read, no write na, ‘ang galing niyang mag-portray na protector, baka sa totoong buhay ganyan siya’. Alam mo na, nadadala sila sa acting mo.”

May naging offer din daw sa kanya ang GMA-7 para sa isang teleserye, pero magko-conflict naman sa schedule niya sa Congress.

“May trabaho ko sa Congress, at ang pangit na mag-a-absent ako sa Congress at malalaman, ‘nasaan siya?’ Nagte-taping. Ano ba talaga ang gusto mo? Maging public servant o maging artista? Siyempre, priority ko ang pagiging public servant ko.”

Natutuwa ba siya na nakatatanggap pa rin siya ng mga offers sa telebisyon?

“Siyempre, flattered ako dahil hindi na ko single, family man na ‘ko, tumahimik na ‘ko. Pero may mga offer pa rin na, ‘kunin natin si Monsour, bigyan natin ng role na ganito’.

“Siyempre, happy rin naman ako dahil acting is my second love, e. First love ko is the martial arts dahil dun ako galing.”

Naalala namin na isa sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ang ex-girlfriend niyang si Dawn Zulueta. Base sa inaalok na role sa kanya, may posibilidad na nagkasama pa sana silang dalawa ni Dawn.

“E, si Dawn, ‘yung dalawang anak niya ay estudyante ko sa Taekwondo. Noong maliit sila, panay ang practice nila sa gym ko.

“Wala naman kaming problema ni Dawn. Kahit kay Agot (Isidro),” banggit ni Monsour sa isa pang ex-girlfriend. “Wala rin kaming problema ni Agot.”

-Ador V. Saluta