KAPAG dalawang tunay na lalaki talaga ang nagbibiruan o ginawang katatawanan ang mga sarili nila ay makikita mong wala talagang malisya, tulad nina Vin Abrenica at Arjo Atayde, na kasalukuyang nasa Amerika kasama sina Maja Salvador, Pooh, at Joseph Marco.

Arjo copy

Sa Instagram post ng @arjobelievers, kinunan ni Vin ng video si Arjo na tulog at napasandal sa balikat niya. Nakasaad sa caption: “I found the one” at may background music ng Perfect ni Ed Sheeran.

Ang nakakatawa ay ang reaksiyon ni Vin na kunwari’y kinilig siya na magkadikit sila. Aliw din ang mga komento ng followers na sinabing “bagay kayo”.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Anyway, special guests sina Arjo, Vin, Joseph at Pooh sa Maja on Stage concert na sinimulan na kagabi sa Alex Theater Glendale, Los Angeles. Ang next show nila ay sa San Francisco at Virginia Beach.

Going back to Arjo, sa Setyembre 17 ang balik nila sa Pilipinas at magiging abala na siya sa promo ng pelikula niyang Tol kasama sina Ketchup Eusebio at Joross Gamboa, mula sa Reality Entertainment at idinirek ni Miko Livelo.

Bukod dito ay malapit na rin siyang mag-shoot ng pelikulang kasama sina Coco Martin at Vic Sotto para sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

At sinimulan na rin ni Arjo na mag-taping ng The General’s Daughter, na pagbibidahan naman nina Angel Locsin, Ryza Cenon, Janice De Belen, Eula Valdez, at Ms Maricel Soriano mula sa Dreamscape Entertainment.

As of this writing ay nakatakdang gumawa ng pelikula si Arjo, with Regal Entertainment, Viva Films at Star Cinema, kaya ang saya-saya ng aktor dahil matagal na niyang pangarap na magkapelikula.

Tanda naming sabi ng aktor na mapasama lang siya sa pelikula ay okay na. Hindi naman niya ine-expect na magiging bida siya sa mga gagawin niyang pelikula.

-Reggee Bonoan