CARACAS (Reuters) – Kumain si Venezuelan President Nicolas Maduro ng mamahaling steak sa “Salt Bae” restaurant sa Istanbul sa kanyang stop-off pabalik mula sa pagbisita sa China, na ikinagalit ng kanyang mga kababayan na halos walang makain at naging rare luxury ang red meat.

Nagpaskil ang Turkish celebrity chef na si Nusret Gokce, may-ari ng maraming restaurants at kilala bilang Salt Bae dahil sa kanyang theatrical style na pagbudbod ng asin sa steaks, ng mga video at litrato sa kanyang Instagram at Twitter pages na nagpapakita kay Maduro at misis niyang si Cilia, habang kumakain.

Sa isang video, sinabi ni Maduro na, “This is a once in a lifetime moment.”

Kaagad na binatikos ng political opposition ng Venezuela ang pagkain na ebidensiya na walang pakiramdam si Maduro sa krisis ng kanyang bansa, na nagtulak ng migration ng mahigit 2 milyong katao para matakasan ang malawakang kakulangan ng pagkain at gamot.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“While Venezuelans suffer and die of hunger, Nicolas Maduro and Cilia enjoy one of the priciest restaurants in the world, all with money stolen from the Venezuelan people,” tweet ng opposition leader na si Julio Borges, dating pinuno ng Congress.

Sa social media, nagbahagi ang Venezuelans ng mocked-up images ni Gokce na ginagawa ang kanyang trade-mark salt sprinkle pose sa ibabaw ng isang buto’t balat na bata.