MOSCOW (AFP) – Naglaho ang isang Russian military jet na may sakay na 14 na servicemen sa radar sa ibabaw ng Mediterranean Sea nitong Lunes ng gabi habang inaatake ng Israeli missile ang Syria, sinabi ng defence ministry.

‘’Connection has been lost with the crew of a Russian Il-20 plane over the Mediterranean Sea 35 kilometres from the Syrian coast as it was returning to the Hmeimim airbase,’’ sinabi ng Russian defence ministry kahapon ng umaga.

Hindi mabatid ang kalagayan ng military personnel at patuloy ang paghahanap sa eroplano.

Naglaho sa radar ang eroplano dakong 11:00 ng gabi nitong Lunes habang inaatake ng apat na Israeli F-16 jets ang Syrian infrastructure sa lalawigan ng Latakia, na hawak ni President Bashar al-Assad.
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM